PATAY ang isang Pinay nurse nang pagsasaksakin ng kanyang mister sa Las Vegas Nevada.
Kinilala lamang sa pangalang Daisy ang biktima habang Richard naman ang kanyang mister.
Lumalabas na 20-taon nang magkarelasyon ang dalawa nang hilingin ni Daisy na mag-divorce na sila ni Richard.
Ikinagalit naman iyon ng suspek dahilan para saksakin ang Pinay hanggang sa mamatay.
Samantala, pinatunayan naman ng isa sa mga kaibigan ni Daisy na bago ang krimen ay minamaltrato na ang Pinay ng kanyang mister.
Kusa namang isinuko ng suspek ang sarili sa pulisya.
The post Pinay nurse, todas sa sariling mister appeared first on Remate.