PATAY ang isang lola dahil sa kagat ng aso sa Tatalon, Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Mary Dabo, 62.
Lumalabas sa imbestigasyon na Nobyembre pa noong nakaraang taon nang makagat ng alagang aso ang biktima pero sa halip na magtungo sa pagamutan ay binalewala lang ito.
Miyerkules naman nitong nakaraang linggo nang makitaan ng sintomas ng rabies si Dabo kaya isinugod sa pagamutan pero hindi na naagapan.
Agad nagbabala ang San Lazaro Hospital sa mga taong nakakagat ng aso na agad magpakonsulta upang maagapan sa pagkalat ang rabies.
Lumalabas na umaabot sa 1,000 katao kada araw ang nagtutungo sa San Lazaro Hospital dahil sa kagat ng aso.
The post Lola, patay sa kagat ng aso sa QC appeared first on Remate.