UMAKYAT na sa 28 katao ang namatay sa patuloy na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at landslides sa tatlong rehiyon sa Mindanao.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 15 ang namatay sa Compostella Valley, pito sa Davao Oriental, isa sa Davao del Norte at tatlo sa Caraga Region.
Ngunit nitong hapon lamang ay lumobo na sa 16 ang namatay sa Caraga Region na kinabibilangan ng apat mula sa Agusan del Norte.
Pinakahuling nadagdag sa bilang ang isang lalaking palutang-lutang sa karagatan ng Brgy. San Jose sa Jabonga.
The post UPDATE: 28 na patay sa baha at landslides sa Mindanao appeared first on Remate.