TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III na may sapat na suplay ng kuryente kaya malabong magkaroon ng rotational brownouts sa bansa.
Sinalungat ng Chief Executive ang babala ng MERALCO na mararanasan ang mga rotational brownout, kung hindi nito kayang bayaran ang transmission charges dahil sa TRO ng SC sa power rate hike.
Nauna rito, isinulong ng ilang mambabatas lalo na ni Kabataan partylist Representative Teddy Ridon ang panukalang batas na naglalayong bawiin ang tinatawag na legislative franchise ng MERALCO dahil sa kabiguan nitong makapagbigay ng abot-kayang halaga ng kuryente sa consumers nito.
Sa kabila nito ay kaunting brownout naman ang mararanasan sa rehiyong Mindanao.
Sa kabilang dako, patay-malisya lang si Pangulong Aquino sa mungkahi na bawiin ang executive franchise ng Meralco.
Ang katwiran ni Pangulong Aquino ay may imbestigasyon nang ginagawa ang pamahalaan sa bagay na ito.
Kaya para aniya sa kanya ay premature ang pahayag na ito ni Rep. Ridon.
Pinasaringan naman ng Pangulo ang mambabatas na naintindihan niya ang ginawang ito ni Rep. Ridon dahil magandang paraan aniya ito para makakuha ng headline.
The post Rotational brownouts sa bansa, malabo – PNoy appeared first on Remate.