Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

DoJ, binira sa pagkakaaresto kay Tan

$
0
0

BINATIKOS ni Buhay Party-List Rep. Lito Atienza ang pagmamayabang ng Department of Justice ukol sa pagkakakilanlan at pagkahuli sa sinasabing rice smuggler na si David Tan.

“The more prudent thing for the DOJ to do is not to telegraph its punches and do its job quietly, while pursuing its leads on Tan,” ani Atienza.

Duda si Atienza sa biglang pagpiyok ng DOJ ukol sa pagkakadakip kay Tan sa Davao.

“Telling the media about their moves is like giving Tan a head start and making the entire process of pursuing him a moro-moro” giit ng kongresista.

Dahil dito, pinayuhan ni Atienza ang DOJ na pagtuunan ng pansin ang paghabol at pag-aresto sa mga pugante kaysa ilantad sa publiko at sa media ang mga pagkilos nito.

Kaninang umaga ay kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na naaresto na si Tan alyas “Davidson Bangayan” sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ng Caloocan Regional Trial Court noong October 11, 2010.

Ito ay kaugnay sa kasong paglabag ni Tan sa Republic Act 7832 o Anti Pilferage Law.

Napag-alaman na nakuha ng NBI ang kopya ng warrant of arrest nito lamang January 7, 2014 na may piyansang inirekomenda na P40,000 para sa pansamantalang paglaya ni Tan.

The post DoJ, binira sa pagkakaaresto kay Tan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan