Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2014 General Appropriations Act pinapipigilan

$
0
0

HINILING sa Korte Suprema na pigilan ang pagpapatupad o paggamit ng lump sum fund sa ilalim ng 2014 General Appropriations Act.

Nakasaad sa 18-pahinang petition for certiorari na inihain ni dating Manila Councilor Greco Belgica  na ipawalang bisa ng hukuman ang Lump Sum Discretionary Funds sa ilalim ng 2014 GAA dahil sa paglabag sa Konstitusyon at sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema kontra sa pork barrel fund.

Sa kabila aniya ng desisyon ng korte sa isyu ng pork barrel, pinili pa rin daw ni Pangulong Aquino at ng Kongreso na balewalain ang court ruling nang isama nito ang mga lump sum fund na nagkakahalaga ng mahigit P143 bilyon sa ilalim ng kasalukuyang pambansang pondo sa porma ng mga sumusunod: unprogrammed fund, E-govt fund contingent fund at local govt support fund.

Pinangalanang respondent sa kaso sina Exec Sec Paquito Ochoa, DBM Secretary Butch Abad, Senado at Kamara de Representantes.

Naniniwala si Belgica na mayroong tinatawag na undue delegation of power sa panig ng pangulo dahil ipinauubaya sa Punong Ehekutibo ang pagpapasya kung saang partikular na proyekto o serbisyo gagamitin ang naturang lump sum fund na dapat ay kapangyarihan ng Kongreso.

Kaugnay nito, hiniling din ni Belgica na magpalabas ang korte ng status quo order para pigilan ang paggamit ng lump sum fund.

The post 2014 General Appropriations Act pinapipigilan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>