NO COMMENT ang Malakanyang sa panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Benigno Aquino III para lutasin ang krisis sa kuryente.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr. ay mananatiling tikom ang bibig ng Malakanyang sa isyung ito dahil na rin sa may nakabinbing kaso sa Korte Suprema.
“The President has maintained that govt’s mandate is to see to the welfare of the general public and to a fair resolution to the issues at hand,” ani Sec. Coloma.
Iginiit ni Eastern Samar Rep. Ben. Evardone ang panukala sa majority bloc ng Kongreso dahil nahaharap aniya ang bansa sa dalawang matinding problema.
Agad namang sinuportahan ni House Speaker Sonny Belmonte ang panukalang ito ni Evardone sabay sabing agad nilang pag-aaralan ang panukalang emergency power kung mismong ang Pangulong Aquino ang hihiling nito.
Nauna rito, ibinasura naman ng opisisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang rekomendasyon ng mga kaalyado ng Malakanyang mula sa kanilang hanay.
Sinabi nina Senior Deputy Minority Leader Neri Colmenares at Rep. Carloz Zarate ng Bayan Muna Party-list ang kanilang posisyon sa panukalang emergency powers para sa Punong Ehekutibo para agad na matugunan ang walang humpay na pagtaas sa singil sa kuryente. At sinasabing posibleng paralisasyon ng mass transport system.
Iginiit ng dalawang mambabatas na hindi nakararanas ng emergency situation ang bansa upang mangailangan ng special executive authority ang Pangulong Aquino.
Sa halip ay ipinanukala ng mga ito na ipawalang-bisa na lamang ang kontrobersiyal na Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
The post Malakanyang no comment sa emergency powers kay PNoy appeared first on Remate.