Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Petisyon sa dagdag-singil ng Meralco pinaaamyendahan

$
0
0

PINAAAMIYENDAHAN sa Korte Suprema ang  petisyon laban sa dagdag-singil ng Meralco.

Hiniling ng Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at Kabataan Party-list na pigilan muna ang generation companies (GenCos) sa paniningil ng mataas na generation charge sa Meralco habang wala pang pinal na desisyon ang Supreme Court (SC) sa power rate hike.

Una nang naglabas ng TRO ang SC laban sa  mahigit P4 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil sa kuryente.

Idinahilan naman ng Meralco ang mataas na singil ng GenCos sa pagtataas nila ng singil sa konsyumer. Nagbanta naman na ang GenCos sa Meralco ng legal na aksyon at mataas na interest penalties kapag hindi sila binayaran ng karampatang generation charge.

Binigyang-diin ng petitioners sa SC na ang publiko ang mahihirapan kapag pinayagan ang paniningil ng mataas na generation charge ng GenCos dahil ipapasa rin ito ng Meralco sa mga konsyumer.

Sa inihaing amended petition, isinama na rin ng petitioners sa kaso ang Philippine Electricity Market Corporation, SEM-Calaca Power Corporation, Masinloc Power Partners Corporation, Therma Luzon Incorporated, San Miguel Energy Corporation, South Premiere Power Corporation at Therma Mobile Incorporated alinsunod na rin sa naging kautusan ng SC.

The post Petisyon sa dagdag-singil ng Meralco pinaaamyendahan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>