TINUTUGIS na ng mga awtoridad ang sinasabing isa sa mga idinadawit sa bigtime rice smuggling operations sa bansa na si David Tan.
Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima, na iisa lamang ang David Tan at Davidson Bangayan na isinailalim sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ang tinukoy ni De Lima sa inisyal na resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng NBI.
Kaugnay nito, alam na rin ng ahensiya ang address ng bahay at business address ni Bangayan na isa sa pinaniwalaan at tinaguariang “one-man cartel.”
The post Bigtime rice smuggler ipinatutugis na appeared first on Remate.