“YOU mean a lot to me!”
Ito ang sinabi ni Billy Crawford kay Coleen Garcia matapos aminin na nililigawan nga niya ang dalaga.
Inamin din ni Billy na magkasama nga sila ni Coleen na nanood ng NBA games noong holiday pero nagkataon lang aniya iyon nang malaman niyang nasa US din ang co-host.
Pero tulad ng ibang espekulasyon na magkarelasyon na ang dalawa, ipinagdiinan ni Billy na hindi pa sila ni Coleen.
“Coleen and I are not boyfriend, girlfriend. We’re not a couple yet.”
Bukod dito, nilinis din ni Billy si Coleen sa hiwalayan nila noon ng VJ-singer-actress na si Nikki Gil.
The post Billy kay Coleen: ‘You mean a lot to me’ appeared first on Remate.