KINANSELA na ng lokal na pamahalaan ng Butuan City ang pasok sa klase bukas pribado man o publiko, kasabay ng pagdedeklara ng state of calamity dahil sa patuloy na pananalasa ng ulan.
Ayon kay City Mayor Ferdinand Amante Jr., hanggang ngayon ay wala pa ring tigil ang buhos ng ulan na umabot na sa 15 barangay ang naapektuhan at mahigit 800 pamilya ang nasa sa iba’t ibang evacuation center na.
Tuloy naman ang pasok ng lahat ng mga empleyado sa lungsod.
The post Klase sa Butuan City bukas suspendido na appeared first on Remate.