BUMABA pa sa 9.6°C ang temperatura sa Baguio.
Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamababang temperatura na naitala ngayong taon kung saan ang huling pinakamababang temperatura ay naranasan kaninang alas-4:00 ng madaling-araw na 10.0 degrees Celsius.
Ang pinakamababang temperatura sa kasaysayan ng Baguio City ay naitala noong Enero 19, 1961 na umabot sa 6.3 °C.
Asahan namang patuloy ang pagbaba ng temperatura sa lungsod hanggang sa susunod na buwan.
The post Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 9.6°C appeared first on Remate.