Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malakanyang, makikipag-usap sa Meralco

$
0
0
NAKAHANDA ang Malakanyang na makipag-ugnayan sa Manila Electric Co. (Meralco) upang mapigilan ang banta nitong rotational blackouts sa oras na hindi na talaga mabayaran ang generation at transmission charges matapos magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema ukol sa mataas na singil sa kuryente.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na tungkulin ng Meralco at ng lahat ng kompanya sa industriya ng kuryente na gawin ang nararapat upang tiyaking makatatanggap ng ganap na serbisyo ang mga mamamayan.
Subalit, tungkulin naman ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
Sa ulat, nagbanta ang Meralco ng rotational blackouts kapag nabigo silang bayaran ang generation and transmission charges dahil sa inilabas na TRO ng Supreme Court (SC).
“With the TRO in place, it will not be far-fetched to imagine that some (generation companies) might altogether refuse to sell electricity to Meralco, or decide to sell to Meralco only such amount of electricity as is commensurate to the resulting rate of P5.6673 per kilowatt-hour,” ayon sa Meralco “the transmission company may stop transmitting if Meralco was unable to pay for the transmission charges. The entire power industry may come to a screeching halt.”Sinabi pa ng Meralco na kailangan nang asahan ang magiging resulta o epekto ng rotational blackouts sa ekonomiya at seguridad ng bansa.
“If the court case drags on, or the power rate hike is nullified by the court, the public may be facing power interruptions in the hottest part of the year, the summer months from March to May,” ayon pa rin sa ulat.
 
Handa namang pumagitna o makialam ang Energy Department sa nakaumang na power crisis sa bansa.
Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na sinabi sa kanya ni Energy Sec. Carlos Jericho “Icot” L. Petilla  na habang nakabinbin ang TRO ng SC ay sigurado naman ang serbisyo ng DoE.
“The DOE has been in the process of mediating between Meralco and the power generators on a practicable solution as to how fuel costs will be shouldered between the parties  and to reconcile their accounts depending on the final outcome of the case,” ang pahayag nito.

The post Malakanyang, makikipag-usap sa Meralco appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>