Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kalaguyo kinatay, misis at biyenan sinaksak ni mister

$
0
0

DAHIL sa pangangaliwa ng maybahay, pinagsasaksak ng isang mister ang kanyang misis at ang kalaguyo at biyenan nito sa Sta. Rosa City, Laguna, kaninang umaga, Enero 10.

Dead on arrival sa pagamutan ang nang-agaw ng misis na si Jerson Tajuna, habang sugatan naman sa bibig si Mary Anne Sigler, misis ng suspek na si Efren Sigler.

Nagtamo naman ng malalim na saksak sa kanang kamay ang nanay ni Mary Anne na si Nadine Agualada.

Hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen si Efren na tumakas matapos ikasa ang pananaksak.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:45 ng umaga sa Barangay Ibaba, Sta. Rosa City, Laguna.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay nagkahiwalay ang mag-asawang Sigler at nakarating kay Tajuna na may namumuong magandang pagtitinginan ang kanyang misis at si Tajuna.

Inatake ng matinding selos, inabangan ng suspek ang pagdaan ni Tajuna at nang makatiyempo ay kinubabawan ito ng saksak habang nakasakay sa kanyang motorsiklo.

Nang makatiyak na patay na ang target, pinatakbo nito ang motorsiklo at sumugod sa bahay ng dating misis sa Barangay Mamatig, sa Cabuyao at sinaksak ito sa bibig.

Tinangka namang umawat ni Agulada ngunit maging siya ay nasaksak ni Efren sa kanang kamay at saka tumakas.

The post Kalaguyo kinatay, misis at biyenan sinaksak ni mister appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>