MAHIGIT sa isang libong deboto ang isinugod sa mga first aid station ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pangunahing lugar na dinaanan ng traslacion ng Itim na Nazareno.
Sa latest report ng PRC, umaabot sa 1,000 mga pasyente na pawang mga deboto ng Nazareno ang kanilang nabigyan ng tulong medikal.
Kabilang sa mga ito ang mga deboto na isinailalim sa blood pressure checkup, nagkaroon ng minor injuries habang isinugod naman sa ospital ang may matitinding injury.
Karamihan sa mga pasyenteng naitala ng ahensya ay nahirapang huminga habang ang ilan naman ay tumaas ang blood pressure.
Samantala sa ulat naman ng Department of Health (DoH) ng alas-3:00 ng hapon kanina ay mahigit sa 1,000 na mga deboto na ang nagpatala at nangangailangan ng immediate medical attention.
Sa nasabing bilang, walong pasyente ang dinala sa malalapit na ospital, dalawa ang na-stroke, dalawa ang nahirapang huminga, maliban pa sa mga inatake ng high blood at nagkaroon ng fracture.
The post Libong deboto injured kay Itim na Nazareno appeared first on Remate.