PINABULAANAN ng Malakanyang na pinigil ng Department of Budget and Management (DBM) ang P100 million na tinatawag ngayong ”realigned PDAF” ni Senator Jinggoy Estrada na inilaan sa lokal na pamahalaan ng Maynila kung saan alkalde ang kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr. na nakausap niya si DBM Sec. Butch Abad sa bagay na ito at sinabi sa kanya na kahit kailan ay hindi siya nagpahayag na pipigilin niya ang realigned PDAF ni Senator Estrada dahil nasa batas na ito.
Iyon nga lamang ay kailangan muna ng special budget request bago maipalabas ang pondo dahil in-appropriate aniya ito sa pamamagitan ng pag-amiyenda.
“Sila po ang mayroong karapatan na magpasa ng General Appropriations Act. Kami po sa Ehekutibo, nagpapanukala lamang nun. Tungkulin po ng mambabatas sa Kamara at sa Senado na pagpasyahan kung ano ang batas na kanilang aaprubahan,” anito.
Binigyang diin nito na sinusunod lamang ng Executive branch ang batas.
The post Paggamit ng PDAF ni Jinggoy di pinigil ng DBM appeared first on Remate.