Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

9 senador gumamit pa ng pork sa 2014 national budget

$
0
0

SIYAM  na “pasaway” na senador ang gumamit pa ng kani-kanilang pork barrel allocation sa 2014 national budget sa kabila nang desisyon ng Supreme Court na nagdedeklarang unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) system.

Batay sa dokumentong nakalap mula sa Senate finance committee na pinamumunuan ni Senador Francis Escudero, ang mga gumamit ng kani-kanilang P200 million pork barrel ang magkapatid na sina Senador Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano
Bukod dito, gumamit din ng pork barrel sina Senador Jinggoy Estrada, Ramon Revilla jr., at Lito Lapid na pawang nasangkot sa pork barrel scam base sa special audit report na ipinalabas ng Commission on Audit.
Tanging sina Estrada at Revilla lamang ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pork barrel scam.
Inilaan ni Estrada ang pork barrel sa mga LGUs kabilang na sa lugar ng kanyang ama na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na nagkakahalaga ng P100 million.

Samantalang si Revilla naman ay inilaan ang kanyang PDAF sa DOH, DPWH, at SUCs o University of the Philippines System at Lapid sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Department of Public Works and Highways.

Kabilang din sa nag-realign ng kanilang PDAF si Sen. Antonio Trillanes IV na inilaan ang kanyang pork barrel sa PNP, Philippine Army, Philippine Navy, Office of the Secretary, TESDA at Commission on Higher Education.
Bukod sa magkapatid na Cayetano na inilaan ang kanilang pork barrel sa calamity funds, sinundan ito nina Sen. Ralph Recto, Sen. Miriam Defensor-Santiago, at Sen. JV Ejercito.
Habang ang 15 senador na hindi na nakialam sa pork barrel ay sina Senate President Franklin Drilon, senators Sonny Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, Juan Ponce Enrile, Escudero, TG Guingona, Gringo Honasan, Loren Legarda, Bongbong Marcos, Serge Osmena, Koko Pimentel, Grace Poe, Tito Sotto at Cynthia Villar.
Sa naging paliwanag naman ni Estrada, walang paglabag sa deklarasyon ng Korte Suprema ang kanilang pag-realign ng  pork barrel funds dahil ginawa ito sa kasagsagan ng budget deliberations ng Kongreso sa 2014 General Appropriations Act, kung saan tungkulin ng mga mambabatas na himayin ang panukalang pondo ng executive department kabilang na ang pag-realign ng pondo.

The post 9 senador gumamit pa ng pork sa 2014 national budget appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>