PAINIT nang painit ang labanan ngayon sa PLDT myDSL Philippine Cup dahil mga tatlo o apat na lang ang natitirang laro sa mga teams kaya naman kailangan nang makapuwesto sa top eight ang mga nabibingit na malaglag.
Isa na rito ang nakabaon sa ilalim ng team standings na Air21 Express pasan ang 2-9 win-loss slate.
Haharapin mamayang alas 5:45 ng hapon ng Express ang No. 4 Talk ‘N Text Tropang Texters na may 7-3 record at kailangan manalo ng una upang lumakas ang tsansa nila na mapabilang sa magic eight ng 10-teams na may 14-games eliminations round.
Sa playoffs, twice-to-beat ang No. 1 at 2 kung saan ay makakalaban nila ang No. 8 at No. 7 ayon sa pagkakasunod habang ang mga naka-puwesto sa third to sisxth spot best-of-three ang kanilang paglalabanan.
Sa second game na mag-uumpisa ng 8 ng gabi, pakay ng Petron Blaze Boosters na katayin ang Barako Bull Energy Cola upang makisalo sa top spot na hinahawakan ng crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel.
Solo sa segundo puwesto ang Boosters tangan ang 8-2 baraha habang ang Energy Cola ay nakabuhol sa fifth to ninth place bitbit ang 4-7 karta.
Ang dalawang pares ng laro ay parehong gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
The post Air21 makikipag-text sa tropa appeared first on Remate.