Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malakanyang tuloy ang trabaho bukas

$
0
0

WALANG balak ang Malakanyang na mag-anunsyo ng special holiday sa Maynila bukas, Enero 9 upang bigyang daan ang mga empleyado ng gobyerno na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o Feast of Black Nazarene.

Ang katwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ay dahil matagal nang panahon na hindi nagdedeklara ng special holiday ang pamahalaan o mag-anunsyo man lamang ng half-day sa trabaho upang makaiwas sa matinding trapiko ang mga empleyado ng pamahalaan sa oras na magsimula na ang prusisyon ng Black Nazarene.

“You know, we’ve been doing this for the—since I was a baby. I grew up in Quiapo so we’ve never had holidays for Feast of the Black Nazarene. Sayang din naman e. It’s really understandable na traffic but I think all of us learned have learned through the years to adjust to the Feast of the Black Nazarene. So I am not aware of declaring it as a special holiday,” aniya  pa rin.

Sa kabilang dako, ibinasura naman ng Malakanyang ang posibilidad na banta ng terorismo bukas.

Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda na kumpiyansa sila na mapananatili ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang peace and order sa Quiapo at sa iba pang lugar kung saan daraan ang Mahal na Poong Nazareno.

Wala ring plano ang Transportation and Communication Department na kalampagin ang iba’t ibang network sa bansa upang alisin ang cellphone signals.

Ang mensahe ng Malakanyang sa mga deboto na makikiisa sa Kapistahan ng Itim na Nazareno bukas ay kung may pagkakataon ay makiiisa sa nasabing okasyon dahil ito aniya ang panahon na magkaroon ang bawat isa ng oportunidad na magkapit-bisig.

Humirit din si Sec. Lacierda sa mga deboto na pairalin ang disiplina lalo pa’t batid naman ng lahat na mahirap ang prusisyon ng Itim na Nazareno.

The post Malakanyang tuloy ang trabaho bukas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan