Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

James at Anthony nangalabaw sa laro

$
0
0

NANGALABAW ng 32 puntos si basketball superstar LeBron James habang kumana naman ng 34 points si star player Carmelo Anthony upang igiya ang kanilang koponan sa panalo kaninang umaga sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Naglista pa ng limang assists at tatlong rebounds si four-time NBA MVP James upang pasuin ang New Orleans Pelicans, 107-88.

Nag-ambag sina Dwyane Wade, Chris Andersen at Chris Bosh ng 22, 15 at 12 pts. para sa Heat upang ipinta ang 27-8 record at manatiling nasa unahan ng Southeast division.

Naghahabol ng 11 puntos ang Heat sa kaagahan ng third canto subalit sa huling 20 minuto ng laro ay umarangkada ng 59-26 ang two-time defending champion upang itakas ang panalo.

Samantala, bumitaw ng dalawang panelyong free throws si Anthony upang iligtas ang Knicks sa Detroit Pistons, 89-85.

Bukod sa kanyang opensa, nagtala rin si All-Star veteran Anthony ng 12 rebounds, limang assists, tatlong steals at dalawang blocks.

May 12-22 win-loss record ang Knicks habang ang Pistons ang 14-21.

Sa ibang NBA resulta, muntik nang masilat ang Western Conference defending champions San Antonio Spurs laban sa Memphis Grizzlies.

Kinailangan ng Spurs ng dagdag na quarter upang pagpagin ang Grizzlies, 110-108.

Sinuwag naman ng Chicago Bulls ang Phoenix Suns, 92-87 habang kinaldag ng Dallas Mavericks ang Los Angeles Lakers, 110-97.

The post James at Anthony nangalabaw sa laro appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>