NAGPALABAS na ng bagong traffic re-routing ang Manila District Traffic Enforcement Unit na ipatutupad sa gagawing traslacion o prusisyon ng Poong Itim na Nazareno bukas .
Eksakto alas-12:00 ng madaling-araw bukas ay isasara na ang Katigbak Drive at South Drive na patungo ng Quirino Grandstand.
Ang mga apektadong motorista na manggagaling ng northern part ng Maynila at dadaan ng southbound ng Bonifacio Drive ay maaaring kumaliwa sa Katigbak patungo ng Anda Circle, kanan sa A. Soriano patungong Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos at saka diretso sa Lagusnilad via Taft Avenue.
Maaari namang kumanan sa Kalaw patungo sa kanilang destinasyon ang mga sasakyan na manggagaling ng southern part ng Maynila na dumadaan sa northbound bound lane ng Roxas Blvd. mula Kalaw hanggang P. Burgos.
Samantala, umpisa alas-5:00 ng umaga bukas, isasara na sa trapiko ang southbound lane ng Quezon Blvd sa Quiapo, mula Andalucia hanggang Plaza Miranda.
Isasara rin sa traffic ang Recto, SH Loyola, P. Casal at Carlos Palanca; pati na ang A. Villegas, kanto ng Taft Avenue at Kalaw; kanto ng Taft Avenue at UN Avenue, Maria Orosa, P. Burgos corner Roxas Blvd, TM. Kalaw, Bonifacio Drive at 25th Street; Gen. Luna hanggang A. Soriano sa Rizal Avenue dire-diretso hanggang Recto; Tomas Mapua hanggang Recto; Juan Luna hanggang San Fernando.
Inaabisuhan din ang publiko na asahan na ang mabigat na trapiko sa Maynila dahil sa road blockade at re-routing habang nagpapatuloy ang prusisyon.
The post Traffic re-routing bukas inilatag na appeared first on Remate.