SIYAM katao kabilang ang isang buntis ang sinakmal ng gumagalang asong ulol sa Cebu City kaninang umaga, Enero 7.
Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang kondisyon ang mga biktimang sina Bernadith Inocian, 26, 5 buwang buntis; Norma Inocian, 48; Niño Waga, 4; Estrella Baclohan, 52; Irene Belenia, 33-anyos; Ashley Marie Morsua, 4-anyos; Ryan Arcaya, 16-anyos; Edmund Abada, 22-anyos; at Melvin Arallo, 4-anyos.
Iniutos na agad ng Department of Agriculture (DA) ang pagputol sa ulo ng nasabing nakakagat na aso upang malaman kung mayroon itong rabies.
Ayon naman kay Barangay Malubog Councilor Boy Bulacano, tinurukan na ng anti-rabies ang mga biktima para mapuksa ang rabies sa kanilang katawan.
Lumabas din aniya sa imbestigasyon na positibo sa rabies ang naturang aso kaya ikinababahala ang kondisyon ng mga biktima.
Inaalam din ngayon kung ano ang posibleng epekto ng insidente sa ipinagbubuntis ni Inocian.
Samantala, inako naman ng Department of Health Region-7 ang mga gamot na kakailanganin ng mga biktima.
The post 9 sinagpang ng asong ulol sa Cebu appeared first on Remate.