HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kumpirmado ang pagkamatay ni Habier Malik, lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) group na umatake sa Zamboanga City noong nakaraang taon.
Kaya nga ang pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio Coloma Jr., hihingi siya ng update mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa bagay na ito.
Nauna nang sinabi ni MNLF spokesperson Reverend Absalom Cerveza na namatay sa sakit na diabetes si Malik.
Sa kabilang dako, hindi naman tumitigil ang pamahalaan sa pagtugis kay MNLF founding chairman Nur Misuari na gaya ni Malik ay kailangang arestuhin dahil sa nangyaring pag-atake sa Zamboanga City.
Matatandaang noong nakaraang Oktubre ng nakaraang taon ay kapwa pinanindigan nina Malik at Misuari ang magtago sa batas sa kabila ng inilatag na ang kanilang warrant of arrest.
Sinabi Defense Secretary Voltaire Gazmin na patay na si Malik subalit wala namang maipakitang pruweba na patay na nga ito.
Noong nakaraang buwan, matagumpay na nalagdaan ng panel ng pamahalaan at ng MILF ang ikatlo sa ikaapat na annexes ng Framework Agreement on the Bangsamoro.
Umaasa naman ang Malakanyang na malalagdaan na ang huling annex sa katapusan ng buwan ng Enero.
The post Malakanyang: Malik, hindi pa kumpirmadong patay appeared first on Remate.