MAS maging maunawain at pasensyoso pa sa mga miyembro ng gabinete at dedmahin ang mga kritisismong ibinabato sa kanya ang mga pangunahing New Year’s resolution ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sa pakikipagtalamitan sa mga Grade 11 students ng Miriam College sa Heroes Hall, Malakanyang ay sinabi nito na handa siyang pangalagaan ang kanyang gabinete mula sa matinding pagdurusa ng trabahong kinahaharap ng mga ito sa araw-araw.
Sa katunayan, matapos ang kanyang tatlong araw na Christmas break ay agad niyang pinulong ang mga miyembro ng gabinete noong araw ng Bagong Taon.
Nakatataba aniya ng puso na mas pinili ng mga miyembro ng kanyang gabinete na samahan siya sa pagtaguyod sa bansa sa halip na isiksik ang sarili sa private sector.
Sa kabilang dako, sisimulan na ni Pangulong Aquino ang mangdedma o magpatay-malisya sa mga kritisismo laban sa kanyang administrasyon.
Tinukoy nito ang kaso ni Energy Secretary Jericho Petilla na nabigong ibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda noong Disyembre 24, 2012.
Aniya, sa kabila ng 99 percent nang nilalayon ni Petilla ang napagtagumpayan nito ay marami pa rin ang humihingi ng ulo nito o ang sibakin ito sa puwesto.
The post New Year’s reso ni PNoy, maging maunawain pa appeared first on Remate.