ITATAAS ng Department of Health (DOH) ang kanilang alerto sa code white kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Huwebes, Enero 9.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, kalimitan na nilang ipinatutupad ang naturang alerto sa mga aktibidad na inaasahang dadagsain ng maraming tao.
Batay sa pagtaya mismo ni Quiapo Church rector Monsignor Clemente Ignacio, posibleng umabot ng hanggang 12 milyon deboto ang lalahok sa okasyon.
Kaugnay nito, tiniyak ni Tayag na handang-handa sila sa okasyon at magpapakalat din sila ng medical teams sa strategic areas na daraanan ng prusisyon.
Nabatid na sa ilalim ng code white alert, lahat ng pagamutan malapit sa lugar ay dapat na may nakahandang medical personnel mula general surgeon, orthopedics,
anesthesiologists, internists, operating room nurses, ophthalmologists at otorhinolaryngologists para tumugon sa emergency situations.
Ang mga emergency service personnel, nurses at administrative staff ay dapat na on-call din.
Patuloy din namang umaapela ang DOH sa mga magulang na deboto na huwag nang magsama ng mga bata sa prusisyon.
The post DoH code white sa Pista ng Nazareno appeared first on Remate.