KINALAMPAG ng Malakanyang ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin ang kaligtasan ng makikiisa sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, sa Huwebes Disyembre 9, 2014.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., inaasahan nilang matututukan ng PNP ang mga deboto na posibleng maging target ng masasamang loob.
Bukod dito, nananalig naman ang Malakanyang na ayos na ang paghahanda ng MMDA para siguruhin ang mapayapang Kapistahan ng Quiapo.
Kaugnay nito, sinabi ni Quiapo Church Rector Msgr. Clement Ignacio na posibleng madagdagan pa ng tatlong oras o maging kabuuang 18 oras ang traslasyon ng imahe mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Sa ulat, maagang dinala sa Quirino Grandstand ang imahe ng Itim na Nazareno mula sa Quiapo church para sa “pahalik” upang mabigyan ng pagkakataon ang mga deboto na mahawakan o mahalikan ang Black Nazarene.
Sa ngayon ay mangilan-ngilan pa lamang ang nagpupunta sa Grandstand upang mahawakan ang imahe.
Inaasahan namang aabot sa 12 milyong deboto ang sasama o dadalo sa traslasyon ng Black Nazarene.
The post Malakanyang sa PNP: Tiyaking ligtas ang mga deboto appeared first on Remate.