UMABOT na sa 139 bata ang tinamaan ng tigdas sa Quezon City.
Ayon kay Dra. Antonietta Enumerable, head ng Quezon City Health Department, pinakamarami sa bilang na ito ang district five at district six.
Sinabi ni Enumerable na dalawa na sa nabanggit na bilang ang namamatay dahil sa kumplikasyon.
Isa aniya rito ay pitong buwan mula sa Barangay Commonwealth habang ang isa naman ay one year old mula sa Barangay Bahay Toro.
Magkaganunpaman, paliwanag ni Enumerable na walang epidemya ng tigdas sa QC.
Nagba-bahay-bahay na aniya sila upang bakunahan ang mga bata upang hindi na lumaganap pa ang nakakahawang tigdas.
The post Tinamaan ng tigdas sa QC mahigit 100 na appeared first on Remate.