AMINADO si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na malaking dagok sa rehabilitasyon ng gobyerno sa mga sinalanta ng kalamidad ang balitang substandard at overpriced ang mga itinatayong bunkhouses sa Leyte at Samar.
Giit nito na hindi dapat balewalain ang balita dahil posibleng lumikha ito ng pagdududa sa seryosong aksyon ng pamahalaan upang maibangon muli ang mga biktima ng bagyong Yolanda.
Magkagayunman, sinabi ni Belmonte na “l have great confidence in Sec. Babes” (Public Works Sec. Rogelio Singson). It’s not the best way to entice donors and should have been verified first by police or Singson,” ani Belmonte.
Kasabay nito ay hinihimok ni Belmonte si Rehabilitation chief Panfilo Lacson na pangalanan ang sinasabing pulitiko na kumikita sa pagtatayo ng mga bunkhouse o kung meron mang nakakuha ng mula 30 hanggang 35 porsiyento na komisyon.
Kahapon ay tahasang sinabi ni Singson na siya ay magbibitiw sa pwesto kapag napatunayan na overprices ang bunkhouses at kung may mga politikong sangkot dito.
Magkasulungat naman ang naging pananaw nina Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento at House Deputy Majority Leader at CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna sa posibilidad ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara ukol sa isyu.
“Let the Executive branch look into it, if there is non-compliance to the specification then let the contractor retrofit the said structure
chargeable to their original contract cost for it to meet the standard without additional expense on the part of government,” ayon kay Sarmiento na Secretary-General ng Liberal Party.
chargeable to their original contract cost for it to meet the standard without additional expense on the part of government,” ayon kay Sarmiento na Secretary-General ng Liberal Party.
Ngunit sang-ayon si Tugna na maimbestigahan ng Kongreso ang alegasyon.
The post Anomalya sa bunkhouses dagok sa rehabilitasyon appeared first on Remate.