BILANG na ang araw ng mga ismagler sa Davao City.
Ito ang pagbabanta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya magdadalawang isip na ubusin ang mga mapatunayan niyang patuloy na kumikilos bilang smuggler sa nasabing lungsod.
Una nang pinayuhan ni Mayor Duterte ang smugglers na mas mabuting maghanap na lamang ng ibang lugar dahil malalaman pa rin niya ito, lalong-lalo na kung may kapangyarihan siyang buksan ang mga bodega dito sa lungsod.
Ngayon pa lamang tiniyak ng alkalde na mananagot ang sino man na kanyang mapatunayang lumagda sa kahit isang sako lamang ng smuggled rice na ipapasok sa Davao.
Napag-alaman na mismong ang pamahalaang nasyunal na ang humingi ng tulong kay Mayor Duterte upang mahadlangan ang nakakaalarmang rice smuggling dito sa lungsod.
The post Duterte uubusin ang smugglers sa Davao appeared first on Remate.