ISA ang kritikal, habang dalawa ang sugatan sa naganap na aksidente ng dalawang bus sa Iloilo City.
Sa imbestigasyon, unang naitala ang aksidente kaninang madaling-araw nang mabangga ng Ro-Ro bus mula sa Iloilo ang isang jeepney sa highway sa Pinamalayan, Mindoro.
Walang nasugatan sa mga pasahero ng bus, pero sugatan naman ang mag-asawa na sakay ng jeepney.
Samantala, kaninang umaga naman nang maaksidente ang isa pang unit ng Ceres bus sa Belison, Antique matapos mabangga ang isang kuliglig.
Lumalabas na nakabuntot sa kuliglig ang bus at dahil walang signal light ang kuliglig ay hindi ito namalayan ng driver ng bus kaya nabangga, dahilan para malagay sa kritikal na kondisyon ang driver ng kuliglig na si Raul Sadillaga.
The post 2 sugatan sa 2 Ro-Ro bus accident appeared first on Remate.