BINAWIAN na ng buhay ang 12-anyos na batang nasabugan ng pinulot na paputok sa Barangay Balon-Bato, Quezon City.
Nakaburol na sa ilalim ng Quirino Highway NLEX flyover si John Kenneth Diniega, makaraang tuluyang bawian ng buhay, Biyernes ng gabi sa East Avenue Medical Center.
Ililibing ang bata sa Linggo, Enero 12.
Matatandaan na nitong Enero 2 nang magulantang ang mga residente sa Dimaano Drive sa lakas ng pagsabog.
Patuloy namang nagpapagaling ang kaibigan ng namayapa na naputulan ng mga kamay at tinanggalan ng kaliwang mata.
The post UPDATE: 12-anyos nasabugan ng paputok, namatay na appeared first on Remate.