PATAY na nang matagpuan ang 10-nanyos na bading matapos magbigti sa Brgy. Garreta, Laoag City kagabi.
Gamit ang leather belt ay nagbigti ang 10-anyos na bata na itinago sa pangalang Ramon sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na bago ang pagbibigti ng biktima ay pinagalitan ito ng kanyang tatay dahil sa pagpupumilit na sumama sa huli na tutungo sa isang bayan.
Madalas din umanong pagalitan si Ramon dahil sa pagiging malamya nito.
Kagabi nga, pag-uwi ng tatay ng biktima ay natagpuan siyang nakabitin at wala nang buhay.
The post Laging pinagagalitan ng tatay: 10-anyos na bading nagbigti sa Laoag appeared first on Remate.