Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

SSS, NAGPALABAS NG P11 BILYON NOONG DECEMBER 2013

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongANG Social Security System (SSS), ay naglabas ng P11.02 bilyon noong Disyembre 2013 para sa halos 2 milyong SSS pensioners sa buong kapuluan, gayundin sa ibayong dagat.

Mayroong 16,300 na pensyonado ang nakakuha ng year-end na benepisyo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng pension checks, via registered mail.

Ang P11.02 bilyong kabuuan ng year-end pension noong 2013 ay 7% na mas mataas sa P10.27 bilyon na nailabas ng SSS para sa December 13th month pensions, na may P1.7 milyong pensioners noong 2012.

Mahigit 99% sa may P1.8 milyong pensyonado ng SSS ang enrolled sa pension remittance sa pamamagitan ng bank’s program na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na
makapag-withdraw ng kanilang pensyon diretso sa kanilang single savings accounts sa pamamagitan ng Automated Teller Machines (ATMs).

Pinaalalahanan ng SSS ang mga pensioner na markahan ang kanilang schedule para sa taunang kompirmasyon ng mga pensioner o ACOP program. Sa buwan ng kaarawan ng isang retiree at death ng pensioners, kailangan nilang pumunta nang personal sa kanilang depository bank, at ang mga disability pensioner sa pinakamalapit na SSS branch bilang pagtupad sa ACOP compliance, upang kumpirmahin ang pagpapatuloy ng kanilang karapatan na makatanggap ng buwanang pension.

Mga pensyonadong hindi nakalantad nang personal, tulad ng mga naninirahan na sa ibayong dagat o kaya ay ‘yung mga maysakit at nakaratay na sa bahay at ospital, gayundin, sa may edad na 80 years old pataas, sila ay pinapayagan na magsumite ng ACOP requirements sa pamamagitan ng mail at email, o sa pamamagitan ng kanilang pinagkatiwalaang kinatawan. Gagawa rin ang SSS ng special na konsiderasyon at tatanggap ng mga request para sa kanilang home visits sa mga pensioner na mahihirapang magtungo pa sa mga bangko at SSS offices, dahil na rin sa kanilang kapansanang pisikal.

The post SSS, NAGPALABAS NG P11 BILYON NOONG DECEMBER 2013 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>