IMBES makapagbakasyon ng masarap, sa pagamutan pinulot ang mag-amang Canadian national nang mahulog sa ginagawang manhole sa Isla ng Boracay kaninang umaga, Enero 5.
Bilang tugon naman ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), ini-refer naman agad ang reklamo ng mag-amang Shaun Gray, 28, at ang na si Ashley Gray, 3, kapwa pansamantalang naninirahan sa Barangay Balabag sa isla sa Tourism Infrastracture and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa kaukulang disposisyon.
Base sa ulat ng BTAC, naganap ang insidente alas-8:45 ng umaga sa Access Road ng Isla ng Boracay.
Bago ito, naglalakad si Gray karga ang anak sa nabanggit na lugar nang hindi mapansin ang open manhole na inaayos ng TIEZA ang drainage system.
The post Mag-amang Canadian swak sa manhole sa Boracay appeared first on Remate.