WAGI ang mga atletang Pinoy sa Special Olympics Asia-Pacific Game 2013 sa New Castle, Australia.
Nakapag-uwi ng 13 gold, 41 silver at 29 bronze medals ang mga Pinoy na sumabak sa iba’t ibang events gaya ng badminton, swimming, bocce, soccer at basketball.
Umabot sa 98 atleta ang ipinadala ng Pilipinas sa naturang patimpalak.
Sa susunod na Special Olympics World Games sa 2015 na gaganapin sa Los Angeles, inaasahan nilang muling makapag-uuwi ng parangal ang Pinoy athletes sa bansa.
Ang Special Olympics ay international sporting competition para sa mga atletang may intellectual disabilities.
The post Pilipinas, humakot ng medalya sa Special Olympics 2013 appeared first on Remate.