NAGKALAT pa rin ang mga basura sa mga lansangan lungsod ng Maynila na ilang araw nang hindi nahahakot.
Maging ang lugar malapit sa bahay ni Manila Mayor Joseph Estrada ay mayroon nang tambak na basura na nakaipon sa kalsada.
Nabatid na nakita ang tambak na basura sa panulukan ng Samar at Mindanao Avenue, malapit sa bahay ng alkalde sa Manggahan Avenue.
Gayundin sa iba’t ibang panig ng Mynila ay marami pa ring mga tambak na basura na hindi pa nakokolekta at umaalingasaw ang mabahong amoy.
Ito ay dahil natigil na ng Leonel Waste Management ang pangongolekta ng basura dahil natapos na ang kanilang kontrata sa lokal na pamahalaan ng Maynila noong Disyembre 31, 2013.
Sa kasulukuyan ay puspusan ang pagwawalis ng street sweepers sa ilang major roads sa Maynila kabilang na ang Quezon Boulevard para hindi magkalat ang mga hindi nakokolektang basura at pansamantalang isinasakay sa isang garbage truck na may nakalagay na volunteer.
Base sa nakuhang impormasyon sa ilang city hall insiders isang garbage contractor na malapit kay Estrada ang napipintong humalili sa Leonel para humakot ng basura sa Maynila.
The post Maynila bumabaho na sa basura appeared first on Remate.