Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: 16 na ang patay sa tigdas sa MM, 71 sa buong bansa

$
0
0

UMAKYAT na sa 71 ang namatay mula sa 1,571 na nagkatigdas sa buong bansa, habang 16 dito ay mula sa anim na distrito lamang ng Maynila, ayon sa tala ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) mula Nobyembre 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Ang tatlong namatay sa tigdas ay galing sa Malabon, Muntinlupa, Las Piñas at Caloocan City, habang ang iba pa ay mula sa anim na distrito ng Maynila.

Sa tala ng Manila-Health office, sa distrito 1 ay dalawa ang namatay sa tigdas, sa distrito II ay 2, apat naman sa distrito III, isa sa distrito IV at tatlo sa distrito V at apat sa distrito VI.

Nangunguna naman ang mga lugar na tinamaan ng mga pasyente ng tigdas ang Muntinlupa at Las Piñas na may 61 kaso, sumunod ang Caloocan City, 38 at Parañaque City, 31.

Sa San Lazaro Hospital ay nasa 93 na kaso ng tigdas ang naitala sa kaparehong panahon at may isang namatay mula sa Caloocan City.

Wala namang naitalang kaso ng naturang sakit sa Pateros at Valenzuela City.

 

The post UPDATE: 16 na ang patay sa tigdas sa MM, 71 sa buong bansa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>