BRAIN DEAD lang at hindi patay ang 11-anyos na batang naiulat na namatay nang masabugan ng paputok, habang kinumpirmang naputulan na ng mga kamay ang kanyang kasamang kaibigan sa Brgy. Balon Bato, Quezon City sa report ng MCU ngayon lamang.
Ang dalawang biktima ay kapwa 11-anyos at residente ng Camachili, Brgy. Balon Bato, Balintawak.
Lumalabas na humihinga ang bata sa tulong ng oxygen na may sugat sa ulo habang naputulan na ng dalawang kamay ang kanyang kaibigan na patuloy na inoobserbahan sa Manila Central University (MCU).
Ayon kay SPO2 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, naganap ang insidente sa isang bakanteng lote sa loob ng Dimaano Compound, Brgy. Balon Bato, QC alas-2:30 ng hapon kahapon.
Sinabi ni SPO2 Dela Cruz na habang abala ang dalawang biktima sa pagsasaayos sa kanilang mga naipong paputok na hindi pumutok noong selebrasyon ng bisperas ng Bagong Taon ay bigla iyong sumabog.
Makalipas ang ilang segundo, nakitang duguan na ang dalawang biktima at mabilis na isinugod sa naturang ospital.
Sinisiyasat pa ng mga pulis kung anong uri ng mga paputok ang napulot ng mga biktima.
The post PAGTATAMA: Batang nasabugan ng paputok, brain dead lang, 1 pa naputulan na ng mga kamay appeared first on Remate.