Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: 3 na ang namatay sa tigdas – DOH

$
0
0

TATLO na ang namatay dahil sa tigdas ayon sa tala ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) mula Enero hanggang Disyembre 21, 2013.

Ang tatlong namatay sa tigdas ay galing sa Malabon, Muntinlupa at Caloocan City.

Umaabot naman sa 311 kaso ng sakit ang naitala ng DOH-NCR Epidemiology Center batay sa confirmed laboratory result.

Nangunguna ang mga lugar na tinamaan ng mga pasyente ng tigdas ang Muntinlupa at Las Piñas na may 61 kaso, pumangalawa ang Maynila na may 39 kaso, sumunod ang Caloocan City, 38 at Paranaque City, 31.

Sa San Lazaro Hospital ay nasa 93 na kaso ng tigdas ang naitala sa kaparehong panahon at may isang namatay mula sa Caloocan City.

Sa buong Metro Manila, wala namang naitalang kaso ng naturang sakit sa Pateros at Valenzuela City.

Inaasahang muling maglalabas ang DOH-NCR ng rekord nito para sa Disyembre 21 hanggang Disyembre 31.

The post UPDATE: 3 na ang namatay sa tigdas – DOH appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>