PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang 17 na sakay ng van na sumalpok sa sinusundang trailer truck sa North Luzon Expressway, sakop ng Caloocan City, Biyernes ng madaling-araw.
Dead on arrival sa East Avenue Medical Center dahil sa pinsala sa katawan si Elpidio Tuazon habang nilalapatan ng lunas ang 17 iba pa kasama ang driver ng Nissan Urbanv na si Joel Madrigal.
Sa ulat, alas-4:20 ng madaling-araw, tinatahak ng Nissan Urvan ang NLEX papuntang Maynila nang pagsapit sa sakop ng Caloocan City ay sumalpok sa sinusundang truck na dala ni Orlando Matamis.
Halos mayupi ang van na naging dahilan upang dalhin ang mga sakay sa EAMC kung saan iniimbestigahan pa ng mga pulis ang nasabing insidente.
The post Van sumalpok sa truck, 1 patay, 17 sugatan appeared first on Remate.