Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

DOE investigation sa cartel, posibleng ma-whitewash

$
0
0
PINANGANGAMBAHAN nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate na ma-whitewash ang imbestigasyon ng Department of Energy (DOE) sa sabwatan sa mga planta na nagtulak upang maitaas ang singil sa kuryente.
Ito ay matapos mahayag na si Energy Secretary Carlos Jericho Petilla ay isa sa protector ng tinatawag na power oligarchs.
“We can now expect that the so-called DOE investigation into possible collusion of power industry players is  going to an expected whitewash– now becoming a hallmark of the Aquino administration when it comes to investigating anti-people activities of its allies and campaign financial backers,” ayon kay Zarate.
Binatikos nina Colmenares at Zarate si DOE Petilla dahil sa pagbibigay proteksyon sa kartel ng kuryente kaysa katigan ang kapakanan ng consumers.
Binanggit ng mga kongresista ang ulat na inudyukan ni Petilla ang Manila Electric Co. (Meralco) na umapela sa 60-araw na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court ukol sa dapat sana ay itataas na P4.15 per kilowatt-hour na singil sa kuryente.
“We are now wary that the DOE-ERC investigation on the collusion of power generators may be whitewashed. Firstly, with Sec. Petilla’s statement, it is clear that he views the extremely high power rate hike as above board and regular. As it is, his position means that the Energy Regulatory Commission (ERC) is correct in allowing the P4.15 power rate hike. He does not even question if the computation for the hike is correct. Sec. Petilla is practically preempting the Supreme Court and is siding with the power cartel,” ani Colmenares.
Tiwala pa rin ang dalawang kongresista na malakas ang argument nito sa Supreme Court laban sa Meralco.
Samantala, kung dati ay si ERC Chairwoman Zenaida Ducut lang ang pinagbibitiw sa pwesto ni Colmenares, ngayon lahat na aniya ng commissioners ng ahensya ay dapat na ring bumaba sa pwesto. Kasunod ito ng TRO na inisyu ng SC.

The post DOE investigation sa cartel, posibleng ma-whitewash appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan