INAALAM na ng pulisya kung may kaugnayan sa pamilya Ampatuan ang isang lalaki na pinatay kagabi sa Baseco, Port Area, Maynila.
Bilang tradisyon ng mga Muslim ay agad dinala sa mosque ang labi ng biktimang si Muhammadali Ampatuan, driver, 35, ng Blk. 22 Baseco Compound Port Area, Maynila na namatay sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Alas-7 kagabi nang maganap ang insidente sa Blk. 22 Lot 1, Newe Site, Baseco Compound.
Nag-iigib ng tubig ang biktima at kapatid na babae nang dumating ang suspek na nakilala sa alyas Budtong, Wox at isa pang hindi nakilalang lalaki at pinagbabaril ang biktima.
Bagama’t sugatan na ang biktima ay nagawa pa niyang tumakbo ngunit hinabol siya ng suspek at nang maabutan ay muling pinagbabaril.
Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya.
The post Ampatuan, pinatay sa Port Area appeared first on Remate.