SA mga consumer na nakapagbayad na ng kanilang bills sa Manila Electric Co. (Meralco) ay magpapadala ang kompanya ng sulat para sa kanilang refund.
Ayon sa Meralco, nakahanda ang power distributor na sundin ang temporary restraining order na inisyu ng Supreme Court laban sa kanilang isinusulong na power rate increase.
Lumalabas na nasa 70 percent ng 5.3 million customers ang napadalhan na ng December billing kung saan naipatong ang dagdag na bayarin.
Una rito, mula sa P5.67 per kilowatt hour (kWh), tinaasan ito ng Meralco ng P2 nitong buwan ng Disyembre bilang bahagi ng initial tranche sa inaprubahang P4.15 total rate hike.
Sa mga kostumer na nakatanggap ng electric bill simula Disyembre 23, wala namang magiging problema sa kanilang bayarin dahil saklaw na ito ng TRO ng Korte Suprema.
Mayroon ding opsyon ang mga kostumer sa gagawing refund, kabilang ang pagbawas ng ibinayad sa susunod nilang bills o kaya ay bayaran lamang ang eksaktong bayarin.
Para naman sa mga nakabayad na, maaari pa rin silang makakuha ng refund pero kailangan hintayin ang final decision ng korte sa kaso.
The post Refund sa consumers ibibigay ng Meralco appeared first on Remate.