ILANG linggo matapos manganak ay muling isinugod sa pagamutan ang isang ginang matapos sumakit ang tiyan at nang tingnan ng mga doktor ay nakuhanan ng pasador sa loob ng kanyang ari sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Nakilala ang misis na si Norma Macabeo ng Brgy. Laslasong Norte, sa nasabing bayan.
Ayon kay Macabeo, isinugod siya sa Central Ilocos Sur District Hospital, Narvacan ilang linggo ang nakararaan dahil sa biglaang panganganak.
Makalipas ang dalawang linggo, nagulat na lang ang misis nang naramdamang may lumalabas na sanitary napkin sa kanyang ari habang umiihi at nagkaroon ng mabahong amoy sa kanyang ari bukod pa sa namaga ito.
The post Pasador nakuha sa ari ng nanganak na ginang appeared first on Remate.