INAALAM na ng mga pulis kung sino ang nakapatay sa pamamagitan ng pananaksak sa panadero sa Caloocan City, Huwebes ng umaga, Disyembre 26.
Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Vicente Arendain, 35, ng Monumento ng lungsod.
Sa ulat, alas-8 ng gabi, dumayo sa inuman ang biktima kina Ronald Bandillo, Jun Ramirez, Roger Rivera at Eduardo Vicsoso sa Ceilito Homes, Camarin ng lungsod.
Nasa kainitan ng inuman nang makakulitan ng biktima si Ramirez subalit naawat naman bago magsagupa.
Sinabihan ng mga kainuman ang biktima na umuwi na subalit makalipas ang ilang sandali ay nagbalik na may dalang tubo subalit bago maihampas ay sunod-sunod na saksak ang inabot hanggang dalhin sa TH.
Inaalam na ng mga pulis kung sino sa apat ang tumira sa biktima.
The post Panadero, patay sa saksak sa Caloocan appeared first on Remate.