PINAIIMBESTIGAHAN na ni Pangulong Noynoy Aquino ang P6-billion payoff sa rice smuggling.
Batay sa report, nabulgar ang usapin nang makorner ang isang ‘David Tan’ at ikanta ang naglalakihang rice importation sa pamamagitan ng panunuhol o cash gifts sa mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BoC).
Ani Communications Sec. Sonny Coloma, hindi tumitigil ang kampanya ng administrasyon laban sa katiwalian.
Ayon kay Coloma, pananagutin ang sinomang mapapatunayang sangkot rito at masasampahan ng kaukulang kaso.
The post P6-B payoff sa rice smuggling, pinaiimbestigahan na appeared first on Remate.