Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Boosters nalasing sa Ginebra

$
0
0
HINILO ng Barangay Ginebra San Miguel ang Petron Blaze Boosters, 97-83 upang okupahan ang top spot sa PLDT MyDSL PBA Philippine Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena kagabi.
Naging madali para sa Gin Kings ang paglista ng kanilang 8-1 record dahil hindi nakapaglaro si Booster center JunMar “Kraken” Fajardo.
Nakakapit pa ang Boosters sa halftime 42-47 subalit sa second half ay unti-unting lumayo ang crowd favorite Ginebra para itarak ang panlimang sunod na panalo.
Natikman naman ng Boosters ang pangalawang sunod na kabiguan upang mahinto ang panalo nila sa pito matapos ang siyam na salang.
Umabot sa 22 ang nilamang ng Gin Kings sa Boosters, 96-74 matapos isalpak ni Japeth Aguilar ang kanyang dalawang libreng tira, may 2:51 minuto na lang sa payoff period.
Kinailangan namang ipahinga ni Fajardo ang kanyang kanang tuhod matapos magkaroon ng injury sa practice nila noong Lunes ng hapon.
Isang Christmas Day special ang paghaharap nina 6-foot-10 Fajardo at 7-foot-0 Greg “Gregzilla” Slaughter subalit dahil sa pagliban ng una ay muling maghihintay ang mga fan sa kanilang grudge match.
Sa unang laro, kahit wala si Fil-Tongan Asi Taulava sa home stretch ng laro, naitakas pa rin ng Air21 Express ang 109-103 overtime win kontra GlobaPort Batang Pier.
Tumipa ang pinakamatandang manlalaro ngayon sa PBA na si Express center Taulava ng 28 puntos, 13 rebounds bago umupo sa bench matapos kolektahin ang pang-anim na foul nang itulak nito si Erik Menk, may 2:22 minuto na lang sa extra period.
Bumanat si KG Canaleta ng pamatay na tres upang ilagay ang Air21 sa unahan, 102-100, may 1:21 minuto na lang sa extension.
Dinagdagan pa nina Vic Manuel at Joseph Yeo ng tatlong puntos na galing sa free throws upang magkumahog ang Batang Pier sa paghabol, may 45 segundo na lang ang nalalabing oras.
Pumalag pa ang GlobalPort sa ibinatong tres ni Jay Washington para ibaba ang hinahabol sa dalawang puntos, 103-105, may 36 segundo na lang subalit pagbalik ng bola sa Express ay sinelyuhan na ni Mac Cardona ang panalo ng Air21 nang makalusot ito sa kanyang bantay na si Sol Mercado.
Hawak ng GlobalPort ang 17 puntos na abante subalit naibaba ng Air21 sa anim na puntos sa halftime, 53-47.
Pinantayan ni Cardona ang iskor na kinana ni Taulava subalit si Yeo ang tinanghal na best player of the game matapos magsumite ng triple-double performance na 19 points, 10 rebounds at 14 assists para ilista ng Express ang pangalawang panalo sa 10 laro.
Nag-ambag si Manuel ng 14 pts. at 10 boards habang bumakas si Canaleta ng 11 markers.
Hindi naman sumapat ang 35 puntos ni Mercado at 21 points at nine rebounds ni Washington kaya lagapak sa 4-5 win-loss record ang Batang Pier.
Tumipa naman si Terrence Romeo ng 16 points at pitong rebounds para sa GlobalPort na nalasap ang ikalawang sunod na kabiguan.

Nakapuwersa ng OT ang Air21 matapos itabla ni Taulava ang iskor sa 93 matapos ang lay-up nito.

The post Boosters nalasing sa Ginebra appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>