Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Dating barangay tanod itinumba

$
0
0

TIGBAK ang dating barangay tanod makaraang pagbabarilin ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Brgy. Veterans, Quezon City, kaninang hapon, Disyembre 26, 2013.

Bumulagta sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan ang biktimang si Joel Luwalhati, 48, dating barangay tanod ng Brgy. Veterans, QC.

Ayon kay PO3 Antonio Montero ng Quezon City Police District Station 2 Masambong, naganap ang insidente sa Bansalangin St., cor. EDSA, Brgy. Veterans, ala-1:40 ng hapon kanina.

Sinabi ni PO3 Montero na naglalakad ang biktimang si Lualhati sa naturang lugar nang pagbabarilin ng suspek na nakasuot ng helmet sakay ng motorsiklo.

Napag-alaman na pumunta lamang sa kanyang mga kapatid sa Brgy. Veterans ang biktima dahil dito siya nagdiwang ng Pasko.

Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang naturang insidente kabilang ang dalawang CCTV camera mula sa dalawang establisimyento para matukoy ang suspek sa pamamaslang.

The post Dating barangay tanod itinumba appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>