Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

‘My Little Bossings’ nangunguna sa takilya

$
0
0

NAKIISA maging si Pangulong Noynoy Aquino sa libo-libong moviegoers na pumila sa mga sinehan sa unang araw ng pagpapalabas ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Festival (MMFF).

Nanood si Pangulong Aquino ng “My Little Bossings” kasama ang kapatid na si Kris Aquino at pamangkin na si Bimby na bida rin sa nasabing pelikula.

Mismong ang Presidential sister ang nag-post sa kanyang Instagram account ng larawan kung saan magkakatabi sa sinehan si PNoy, Bimby at ang child actress na si Ryzza Mae Dizon.

Samantala, pinilahan din ng moviegoers ang iba pang kalahok na pelikula.

Sa official update ng MMFF, nangunguna sa takilya ang “My Little Bossings”, pangalawa ang “Girl Boy Bakla Tomboy”, sinundan ng horror movie na “Pagpag” at pang-apat ang “Kimmy Dora.”

“As of Today: Number 1 ang My Little Bossings. Number 2 ang GBBT. Number 3 ang Pagpag. Number 4 ang Kimmy Dora #MMFF”

Bukas, December 27, gaganapin ang MMFF awarding ceremony kung saan pagmumultahin ng (MMDA) ang mga artistang hindi dadalo at mga gagawa ng eksena gaya ng pag-walkout at pag-iyak sa backstage.

Ang MMDA ang organizer ng taunang MMFF.

Umaasa naman ang organizers na kung hindi man mahigitan ay mapantayan man lang ang P740 million na kinita noong nakaraang taon ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival.

The post ‘My Little Bossings’ nangunguna sa takilya appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>