TODAS ang isang mister na asset ng mga pulis matapos pagbabarilin ng tulak sa shabu sa Caloocan City kaninang madaling-araw, Disyembre 24.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Ruben Vitug, 37, ng Tirad Pass, Bagong Barrio ng lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Joven”, kilalang tulak ng shabu sa nasabing lugar.
Sa ulat, alas-4 ng madaling araw, lumabas ng bahay ang biktima upang bumili ng hamburger sa kalapit na tindahan at habang naghihintay ay sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang nasawi.
Nabatid sa asawa ng biktima na madalas pagbantaan ng suspek ang kanyang asawa dahil sa pagiging asset ng mga pulis na nagiging sagabal sa pagtutulak ni Joven.
The post Asset ng pulis todas sa tulak appeared first on Remate.